HINDI pa rin namamatay ang tsikang may relasyon na sina JM De Guzman at Ria Atayde kahit paulit-ulit na nila itong itinanggi.
Sa guesting ni Ria sa Tonight with Boy Abunda kamakalawa ay muling tinanong sa dalaga kung ano na ba talaga ang tunay na estado nila ni JM.
“Still really getting to know each other, friends pa rin po talaga with mutual respect and I guess ‘yung alam mong puwede talaga,” saad ng dalaga.
Sabi naman ni Kuya Boy, “Puwede namang mag-level up and you agree to that?”
“Yeah, puwede because we click very well and I can be myself, my true self without being judged and I think that’s very important, nakikita ko na nirerespeto niya ako and he cares and that’s very important,” sagot ng aktres.
Ano pa ba ang hinihintay ni JM at bakit hindi pa nagle-level up ang friendship nila, “We’re both coming from heavy history, so hindi lang siya ‘yung hindi ready, ako rin po hindi rin ready,” katwiran ng dalaga.
Sabi ni kuya Boy ay sweet si Ria, base sa paglalarawan ni JM, paano naman ilalarawan ng dalaga ang aktor? “Siya, very passionate, very open not only to learning but also to helping you learn, siya ‘yung tipong kaibigan na pag may mali ka sasabihin niya sa ‘yo ang pagkakamali mo, hindi siya plastic, sobrang totoo niyang tao which is rare in this industry,” pahayag ni Ria.
Binasted nga ba ni Ria si JM? “Paano mababasted wala pa namang pagtatanong naganap.”
Kumusta naman ang relasyon ni JM sa pamilya Atayde? “Oh my God! My mom loves him! Parang mas close pa sila. Sila ni Arjo (Atayde), very good. Even with my little siblings, very good nakakatuwa. And my dad, binu-bully siya ni daddy. And if my dad bullies you, it’s the sign na you’re okay,” pagtatapat ng dalaga.
Samantala, isa si Ria sa cast ng Parasite Island series bilang asawa ni Rafael Rosell na napapanood sa ABS-CBN tuwing Linggo handog ng Dreamscape Entertainment.
Napapanood namin ang weekend series na ito at mala-“Walking Dead” ang peg nito na kapag nailipat ni Queen (Desiree del Valle) ang mga linta sa tao ay nagiging zombie na lahat.