Maymay, Edward level-up na: napiling host ng Starhunt Global Showdown

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

Tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng blessings kina Maymay Entrata at Edward Barber. Sila lang naman ang napiling maging host ng first ever global singing search online na Starhunt The Global Showdown.

“Masaya po kasi hindi lang ako mag-isa, kasama ko pa si Dodong (Edward) tapos exciting din siya kasi kakaiba po siya kasi po ‘yung contest, ang alam lang natin Starhunt nasa TV at nagla-live, tapos dito live din siya pero gamit lamang ‘yung mobile tapos sa pamamagitan ng KUMU app, magdownload ka lang ng KUMU app, tapos pwede ka na magbigay ng 3-minute audition. Just follow Starhunt ABS-CBN,” kuwento ni Maymay.

“Hindi pa rin kami makapaniwala na kami ‘yung pinili kasi Starhunt tapos malaki siya,” dagdag pa ng dalaga sa panayam ng ABS-CBN.

Sa tanong kung nape-pressure pa ba sila ni Edward kapag may bago silang trabaho, “Siguro po mas okay sa amin dahil mas komportable kami sa online. Mas nahahanapan namin ng paraan kung papaano kami nakikipag-connect sa mga nanonood sa amin online.

“Tapos sa online kasi para sa akin walang masyadong pressure, mas excited kami kesa sa kabado,” aniya pa.

Read more...