MATAPOS ang magnitude 6.3 lindol sa North Cotabato kamakalawa, niyanig ng magnitude 5.2 lindol ang Davao Oriental ngayong umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-4:53 ng umaga. Ang epicenter nito ay 17kilometro sa silangan ng Manay at may lalim na 108 kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa Alabel, Sarangani. Intensity II sa Tupi, South Cotabato at General Santos City. Intensity I naman sa Kiamba, Sarangani.
Nagbabala ang Phivolcs na maaaring magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito.
READ NEXT
Palasyo tiniyak na maayos ang kalagayan ni Duterte matapos sumemplang ang motorsiklong sinasakyan
MOST READ
LATEST STORIES