YENG CONSTANTINO sinwerte sa pulang buhok; baliw na baliw sa kauna-unahang boyfriend


NASAGOT din ang mahiwagang tanong sa isip namin kung bakit nagpakulay ng pula sa buhok ang singer na si Yeng Constantino. Siya mismo ang nagsabi sa amin na siya talaga ang may gusto na gawing red ang kanyang hair.

In fairness, mukhang okey ang dating ng red hair kay Yeng sa career and personal life niya. Kumbaga may swerte itong hatid sa buhay niya.

“Siguro ano lang isa ‘yun sa mga bagay na dapat intindihin or ma-realize ng mga tao about me na sobra lang  talaga ako mahilig magbagu-bago ng looks,” ani ni Yeng sa presscon ng “BY Request” concert niya with Bamboo sa Araneta Coliseum on  Aug. 17.

Masaya naman daw si Yeng sa naging desisyon niya. Pati boyfriend niya na si Yan ay aprub sa pagpapakulay niya ng hair. Itinanggi naman niya na ginaya niya si KC Concepcion na  kulay pula rin ang buhok.

Speaking of boyfriend, tiniyak ni Yeng na nandoon sa harap ng stage at tabi niya sa backstage ang boyfriend sa concert nila ni Bamboo sa Big Dome.

“Niloloko nga niya ako. Sabi niya, sa general admission daw siya. Sabi ko, bakit naman doon? ‘Wala lang, para hindi ka kabahan. Hindi mo ako makikita,’ sabi niya,” ngiti ni Yeng.

Hindi raw siya kakabahan sa presence ng boyfriend niya sa concert, “Actually, hindi ako kinakabahan sa kanya kasi sobrang parang best friend ko siya, e. Parang ‘pag nandu’n siya mas lalong lumalakas ang loob ko.

Parang may  number one cheer leader ako. Sabi ko nga sa kanya, ‘Ano’ng  general ad? Backstage pass kaya ang ibibigay ko sa kanya. Kasi ipagpi-pray mo.

Bawat palit ko sa dressing room kailangan mo akong i-boost, ‘Yehey, Love! Kaya mo ‘yan!” Hindi lang daw ia-acknowledge niya sa concert si Yan kundi aalayan pa niya ito ng kanta.

Kaya lang ayaw sabihin ni Yeng kung ano ang song na ide-dedicate niya sa kanyang boyfriend sa concert, “Secret. Bawal mag-spoiler!”

First BF ni Yeng si Yan. Sobrang okey daw sa singer na siya rin ang first GF ng guy, “Pangarap ko ‘yun, e. Pero mas masasabi ko na siya talaga ‘yung  nag-wait.

Ayokong magmalinis na ‘yung parang pa-sweety-sweety, pa-tweetums na girl. Hindi ganoon, e. “Kasi alam ko naman na marami akong ine-MU before, e. Marami akong parang guys na, non-showbiz naman sila.

Dumaan ako sa crush-crush, pa-textmate-textmate. Tapos pupunta ‘yung tatay ko sa kwarto ko, itatago ko ‘yung phone. Siya talage, e, reserved siya, e.

Kahit noong time na ‘yung parang lagi niyang sinasabi na kapag nag-make siya ng move sa girl, kasi nakikita niya sa future niya  ayaw niyang i-violate ‘yung conviction niya.

So, siya ‘yung ano, sobrang saludo ako doon na naghintay siya talaga,” esplika ni Yeng. Naipakilala na rin nila ang isa’t isa sa kanilang respective parents, “Nagpunta kami sa bahay, parang pang-third or fourth day na kami.

Nagpunta kami sa bahay ng parents niya at sa akin. Nagpunta kami sa bahay namin, ‘yung mama ko medyo umiyak. Umiyak sa harap niya,” kwento ni Yeng.

Hindi rin kami magugulat kung sa mismong concert, e, biglang mag-propose ng kasal si Yan kay Yeng.  Anyway, mas pinili raw ni Yeng na i-let go ang kaba at pressure sa nalalapit na concert nila ni Bamboo.

“Mas gusto ko na ma-excite. One thing lang po talaga na kinakabahan  ako, walang iba kundi ‘yung makasama lang siya talaga. Sobrang unpredictable niya na artist.

Gusto mo lang pantayan din ang galing niya as a performer.  Siguro ‘yun lang. Pero kahit ganoon ‘yung kaba ko nga, mas excited  pa rin ako dahil alam ko na sobrang generous ni Bamboo.

Ngayon  na nakikilala ko siya lalo, ang gaan niya katrabaho, ang bait niya,” pahayag pa ni Yeng.

( Photo credit to Google )

Read more...