NAGKAAYOS na ang dating business partners na sina Kris Aquino at Nicko Falcis, pati na ng kapatid nitong si Atty. Jesus “Jess” Falcis.
Ito’y may kinalaman sa kasong qualified theft na isinampa ng Social Media Queen laban sa dati niyang business manager na si Nicko na naging project director din ng digital company niyang Kris Cojuangco Aquino Production o KCAP.
Inihayag kanina ni Kris sa pamamagitan ng Instagram na nagkaayos na sila ni Nicko, “To permanently leave this chapter behind, and embrace all that lies ahead for me, comments for this post shall be turned off.
“You are FREE to discuss the statement from DivinaLaw, just not on my feed.”
Bukod dito, may hugot pa si Kris tungkol sa nangyari, aniya, “LEARN from YESTERDAY…LIKE TODAY…
“But above all, make sure to LOVE TOMORROW.” Kalakip nito ang official statement mula sa legal team niyang Divina Law.
“Ms. Kristina Bernadette C. Aquino, Mr. Nicardo M. Falcis II and Atty. Jesus Nicardo M. Falcis III have fairly settled all financial issues and amicably worked out all personal differences.
“To avoid any future misunderstanding, no further statement shall be forecoming.”
Ganito rin ang ipinost ni Nicko sa kanyang Instagram na mula naman sa legal team ng Bernas Law Offices at Ponferrada Ty Offices.
Marami naman ang natuwa sa pagkakaayos ng dalawang kampo, lalo na ang mga fans ni Kris. Mas makakapag-concentrate na raw siya ngayon sa kanyang kalusugan at pag-aalaga sa dalawa niyang anak.