Lee Jung Jae, Shin Min A bibida sa ‘Chief of Staff 2’


KOREAN word of the week: “joesonghamnida” – Sa English ang ibig sabihin nito ay “I’m sorry” at sa Tagalog naman ay “Pasensya na” o “paumanhin”.
q q q

Mapapanood na next month sa Netflix ang Chief of Staff Season 2 starring Korean superstars Lee Jung Jae at Shin Min A.

Makakasama rin nila rito sina Lee Elijah, Kim Dong Jun, Jung Jin Young, Kim Kap Soo, Jung Woong In at Im Won Hee.

Iikot ang kwento ng Chief of Staff tungkol sa mga politician aides na nagkokontrol sa political landscape mula sa likuran ng kanilang mga binabantayang personalidad.

Sesentro ito sa super adviser na si Jang Tae Joon (Jung Jae) habang patuloy ang kanyang pag-angat sa itaas ng political pyramid.

Gumaganap naman dito si Min A bilang si Kang Sun-Young, isang first year lawmaker sa Season 1 at may sariling ambisyon din.

Kabilang sa hit movies ni Jung Jae ang “Along With The Gods: The Two Worlds” at “Along With The Gods: The Last 49 Days.”

Sumikat naman si Min A sa kanyang lead roles sa My Girlfriend is a Gumiho (2010) at Arang and the Magistrate (2012), Oh My Venus (2015), at Tomorrow, With You (2017). – Joshua Jazz Lapitan

Read more...