Pelikula nina Maine at Carlo huhusgahan na ng publiko; binigyan ng ‘Grade A’ ng CEB

CARLO AQUINO AT MAINE MENDOZA

JUDGMENT day na ngayong araw para sa pelikula nina Maine Mendoza at Carlo Aquino na “Isa Pa With Feelings”.

Mapapanood na simula ngayong araw ang CarMaine movie sa mga sinehan nationwide.

Malaking tulong ang pagbibigay ng Grade A ng Cinema Evaluation Board sa pelikulang idinirek ni Prime Cruz kaya lalong maku-curious ang manonood kung bakit A ang grade nito.

Bukod sa Grade A, ikinatuwa ni Meng ang pagdami ng block screenings para sa kanilang pelikula. As of this writing ay meron nang 64 block screenings ang movie at 53 dito ay soldout na.

“Waahhhh salamat sa suporta niyong lahat!!!” bahagi ng tweet ni Maine para sa kanyang mga fans and social media supporters.

Read more...