Natuwa naman ang ilang PMPC members sa gesture ni Angel Locsin na isa-isang bineso sa bakcstage bago siya gawaran ng special award as one of the Teleserye Queens at the Turn of the New Millennium.
And when she won the Best Drama Actress, saglit namin siyang nakatsikahan.
“Sa totoo lang, gusto kong magpasalamat. Pero alam kong pagod na kayong lahat. Pero, grabe! Alam mo ‘yung kapag nasa stage ka na, nakakalimutan mo na ‘yung mga gusto mong pasalamatan sa dami. Pero maraming-maraming salamat sa inyo, sa Star Awards,” paulit-ulit na pasasalamat ni Angel.
Then, we asked her kung ano ang gagawin niya for the rest of the year, “Mag-aayos na po ng kasal.
Sinusundo na po ako ngayon. Ha-hahaha!” Sabay lapit nga ni Neil at kinuha na ang kamay ni Angel palabas ng Henry Irwin Lee Theater ng Ateneo University.
Sa iba, baka na-turn off sila sa ginawani Neil and he may be accused of being a stage fiance dahil sa higpit niya sa pagbabantay kay Angel. Pero gusto lang siguro niyang protektahan ang kanyang future wife.
Kung wala nang magiging problema, baka November o December this year magaganap ang kanilang kasal.