Mikee love na love ng fans ni Alden: Nakakaawa siya sa ‘The Gift’

JEAN GARCIA, ALDEN RICHARDS AT MIKEE QUINTOS

Painit na nang painit ang kuwento ng The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards sa GMA Telebabad.

Simula na nga ng bagong misyon ni Sep (Alden) sa buhay matapos siyang mabulag. Napapanaginipan niya ang mga mangyayari sa kinabukasan pati na ang mga naganap sa nakaraan.

Sa nakaraang episode ng The Gift, nagkatotoo ang babala niya kay Fr. Luis (Leandro Baldemor) na malalagay sa panganib ang buhay nito. Nakaligtas ang pari nang tangkain siyang sagasaan ng mga tauhan ni Francine (Rochelle Pangilinan).

Ang inaabangan naman ngayon ng Kapuso viewers ay kung makikita ba ni Sep ang kanyang nakaraan para malaman na niya na si Nadia (Jean Garcia) ang tunay niyang ina. At mabuking din kaya niya ang tunay na feelings sa kanya ng kaibigang si Amor (Mikee Quintos) ngayong may “third eye” na siya. In fairness, maraming naaawa sa karakter ni Mikee sa serye kaya love na love siya ng viewers.

Napapanood ang The Gift after Beautiful Justice sa GMA.

Read more...