Kris kay Heart: I love you, nakakahawa ang kabaitan mo!

KRIS BERNAL AT HEART EVANGELISTA

TUWANG-TUWA ang Kapuso actress-vlogger na si Kris Bernal nang matanggap ang bonggang regalo mula sa kanyang idol na si Heart Evangelista.

Ibinandera ni Kris sa Instagram ang ibinigay na bag ni Heart na mula sa #LMXSequoia collaboration ng aktres. Kitang-kita sa IG photo ni Kris ang abot-langit na kaligayahan.

“My exact reaction when I found out this was a gift from @iamhearte. I even asked her handler, @iralesaca_, Akin ba talaga ‘to? As in binanggit niya name ko?’ Been a fan ever since! Her magazine covers were once a collection of mine,” mensahe ng leading lady ni Rayver Cruz sa GMA Afternoon Prime series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Hirit ng dalaga, “There’s just so much to love about her. Sobrang humble! Nakakahawa at mahihiya ka! I love you, Heart. Your heart cannot be found just anywhere. I will keep supporting you till the end.”

Sinagot naman agad ni Heart ang message ni Kris. Aniya, “Awww. Thank you dear. So happy you like it.”

“Thank you Heart for having a big heart for everyone. Totally love this gift of yours. I am so lucky to have been blessed with the Mama Mary of our generation. #LoveMariePrayForUs,” reply naman ni Kris.

Samantala, sa huling apat na araw ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko tutukan kung magagawa pa bang makawala ng kaluluwa ni Naomi (Kris) ngayong nakorner na nina Yvie (Megan Young) at Matteo (Rayver) si Katya (Kim Domingo).

Pero kung inaakala ng mag-asawa na tapos na ang kasamaan ni Naomi, nagkakamali sila dahil hinding-hindi papayag ang naghihiganting multo na basta na lang matalo sa laban. Matanggap kaya ni Matteo ang katotohanang ibabandera ni Naomi?

May kailangan pa bang magbuwis ng buhay para tuluyan nang matapos ang kasamaan at paghihiganti ni Naomi? Ano nga ba ang dapat gawin nina Yvie at Matteo para matahimik na ang kanilang buhay? At ano ang naghihintay na buhay para kay Katya matapos saniban ni Naomi? ‘Yan ang kailangan n’yong abangan sa nalalapit na pagtatapos ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko pagkatapos ng Eat Bulaga.

Read more...