PATAY ang isang basurero na nahulog sa riles ng Metro Rail Transit 3 ngayong araw.
Ang biktima ay kinilalang si Mas-Ud Sandamon, 21, tubong Marang Sumisip Basilan.
Tumungtong umano ang lalaki sa bakod ng MRT3 sa pagitan ng Buendia at Ayala stations sa Makati City alas-12:16 ng tanghali.
Walang suot na pang-itaas na damit ang lalaki na nagtamo ng malaking sugat sa ulo na ikinamatay nito.
Naabala ang operasyon ng mga tren dahil sa pangyayari.
Alas-2:47 ng hapon nang bumalik sa normal ang operasyon ng MRT3.
MOST READ
LATEST STORIES