'Wag mag-ampon | Bandera

‘Wag mag-ampon

Joseph Greenfield - July 28, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Joyce, ng Gutalac, Zamboanga del Norte
Dear Sir Greenfield,
Nakalulungkot dahil wala pa rin kaming anak ng mister ko sa kabila ng pagsasama namin na mahigit anim na taon na.  Sumunod naman kami sa lahat ng paraan na iminungkahi sa amin ng doktor at hindi doktor pero wala pa ring nangyari.  Balak na naming mag-ampon dahil nawawalan na kami ng pag-asa.  Pero, naisipan din namin na sumangguni muna sa inyo.  May  pag-asa pa kaya kaming magka-anak? Kung mag-aampon kami ng baby, ano po ba ang magandang birthday ng bata upang lumaki siyang mabait at magsilbing gabay namin sa aming pagtanda?
Umaasa,
Joyce, ng Gutalac, Zamboanga del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
“’Wag muna kayong mag-ampon,” ito ang nais sabihin ng dalawang malinaw na Children Lines (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin, basta’t manalig lang kayo sa Maykapal, sobrang laki ng pag-asa na sa malapit na hinaharap, maaari kang mabuntis at tuluyang magka-anak.
Cartomancy:
Two of Hearts, Jack of Diamonds at Six of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing dalawa ang magiging kabuuang bilang ng inyong magiging supling habang patuloy kayong nagsasama at nagmamahalan, isang babae at isang lalaking sanggol ang inilalarawan ng Jack of Diamonds at Six of Hearts.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending