Arjo hindi pupunta sa premiere night ng CarMaine movie kahit invited pa

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

FOR the record, hindi dadalo si Arjo Atayde sa premiere night ng pelikulang “Isa Pa with Feelings” na gaganapin sa SM Megamall sa Martes, Okt. 15.

Ito ay dahil malaki ang respeto ng aktor sa leading man ng girlfriend niyang si Maine Mendoza na si Carlo Aquino.

Kaya namin ito nasulat ay dahil ang dami na namang namba-bash kay Arjo sa Twitter at naka-tag pa ang nanay niyang si Sylvia Sanchez na kesyo pupunta raw ang aktor sa premiere night ng “Isa Pa with Feelings” dahil kailangan niyang pumapel at suportahan ang girlfriend niya.

For the nth time ay muli naming ipaaalala sa lahat na kapag tungkol sa trabaho ang usapan ay walang pakialam sina Arjo at Maine sa isa’t isa.

Kaya nga hangga’t maaari ay ayaw ng aktor na magsalita tungkol kay Maine dahil ayaw niyang nasasabihang ginagamit niya ang dalaga o sumasakay sa kasikatan nito.

Nitong huli ay si Maine na ang nagsabing masaya siya kay Arjo dahil tanggap siya ng binaya kung sino at ano siya at hindi dahil sikat siya. Still, hindi pa rin nagbibigay ng reaksyon si Arjo sa pag-aming ito ni Maine pero alam naming masaya ang aktor.

Sa supporters o fans ninuman ay tantanan n’yo na si Arjo dahil kahit si Maine pa mismo ang mag-imbita sa kanya ay hindi pa rin siya dadalo sa premiere night.

Saka busy din pala ang aktor sa taping ng Bagman 2 kaya pass siya sa anumang events ni Maine lalo na kung may kinalaman sa pelikula nito na mapapanood na sa Okt.16 mula sa Black Sheep Productions at APT Entertainment na idinirek ni Prime Cruz.

 

Read more...