Boy nagpunta pa ng Japan para makachika si Angelina Jolie

RATSADA sa pagti-taping ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda para sa mga programa niya sa ABS-CBN, ang Tonight with Boy Abunda at The Bottomline.

Aside from this, nagpe-prepare na rin siya para sa isa pa at bago niyang programa, ang Your Moment kung saan uupo siya bilang isa sa judges.
Nakatakda kasing umalis ng bansa si Kuya Boy para mag-host ng isang event sa New York. Parang ito lang yata ang sinasamantalang annual vacation ni Kuya Boy para makapag-unwind at makapag-charge naman.

Pagsasabayin na niya ang hosting stint sa New York at ang celebration ng kanyang birthday sa Oct. 29 with his long-time partner and PAGCOR executive na si Bong Quintana.

Nakapag-tape na si Kuya Boy ng kanyang birthday episodes para sa news and current affairs program na The Bottomline na mapapanood sa Sabado, Oct.19. For a change, siya naman ang iintebryuhin ng mga guest niya na sina Robi Domingo, Bianca Gonzales at Dimples Romana.

Last week, kagagaling lang ni Kuya Boy from Japan kung saan na-interview niya ang Hollywood A list star na si Angeline Jolie para sa promo ng movie nitong “Maleficent.”

Read more...