Carlo nakalusot, pinayagan ng ABS na mag-guest sa Bulaga

CARLO AQUINO AT MAINE MENDOZA

Nakalusot si Carlo Aquino sa umiiral pa ring network war dahil tagumpay ang pagge-guest niya sa Eat Bulaga kahapon.

Todo tweet si Maine Mendoza sa guesting ng leading man niya sa pelikulang “Isa Pa With Feeings”. Understandable naman ang pag-apir ni Carlo sa Eat Bulaga dahil isa sa producers ng movie ang APT Entertainment.

Nagpasalamat naman ang Blacksheep Productions sa pagpayag ng mga taong namamahala sa career ni Carlo na makabisita ang aktor sa noontime show ng GMA.

Kamakailan ay umapir din si Maine sa ilang programa ng ABS-CBN, kabilang na ang Tonight With Boy Abunda at Umagang Kay Ganda.

Umaasa naman sina Carlo at Maine na susuportahan ng mga Kapuso at Kapamilya viewers ang kanilang pelikula na showing na next week. Inulit ng tambalang CarMaine na nais lang nilang magpasaya ng tao at hindi nila intensiyon na makipagkumpetensiya sa tagumpay ng “Hello, Love, Goodbye” nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Read more...