Gabby, Sharon nag-usap sa loob ng kwarto: Sana nga matuloy na

RHEA TAN AT GABBY CONCEPCION

SA wakas, mukhang matutuloy na rin ang pinakaaabangang reunion movie ng former couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Mismong ang aktor na ang nagkumpirma ng good news nang humarap siya sa entertainment media kahapon para sa bago niyang endorsement, ang Beautederm na pag-aari ng dating DJ na super successful businesswoman na ngayon, si Rhea Anicoche-Tan.

Nu’ng una ay ayaw pa sanang pag-usapan ni Gabby ang tungkol dito, pero napilitan na rin siyang magkuwento hindi lang para sa press kundi para na rin sa mga fans nila ni Mega na hanggang ngayon ay umaasa pa rin na magsasama uli sila sa isang pelikula.

“Okay sige, diretsuhin na natin, yes, nakapag-usap na kami. Pero balita ko kasi marami pa siyang ginagawang projects ngayon. So waiting pa tayo. Pero sana matuloy, mabuo ang lahat ng plans. Nasa planning stage na, nakapag-usap na kami, at positive naman.

“Hinihintay na lang namin na matapos ‘yung mga commitment niya, may mga concert siya, congrats nga pala sa concert nila ni Regine (Velasquez). Sana maging successful ang lahat ng shows nila para kami naman, e, makagawa rin sana,” pahayag ni Gabby na fresh na fresh pa rin ang aura at hanggang ngayon ay napakalakas pa rin ng sex appeal.

“Noong araw ko pa naman gustong maging maayos ang lahat, e. Nagkakaroon lang ng misunderstanding, misinterpretation, mix emotion, different feelings. Ngayon nakapag-usap na kaming dalawa, sa loob ng isang kwarto na kaming dalawa lang, wala nang iba. Kaya sana mabuo… ang mga pinaplano namin,” nangingiting pahayag ni Gabby.

With this development, siguradong nabuhayan na naman ng loob ang ShaGab supporters na tila nawalan na noon ng pag-asa na mapanood muli sa isang bonggang movie ang dating mag-asawa.

And speaking of freshness, pinatunayan ng dating matinee idol na kahit nagkakaedad ang isang lalaki ay pwede pa rin namang matawag na hot. Aniya, “Men can glow too!”

Ito ang dahilan kung bakit siya kinuhang brand ambassador ng Beautéderm na 10 taon nang nasa forefront ng beauty and wellness industry sa bansa. Ani Rhea, perfect si Gabby sa ipinaglalaban ng kanilang kumpanya, ang “ageless beauty”.

Bilang multi-awarded na actor, itinuturing si Gabby na isang showbiz royalty na mayroong kamangha-manghang karera na tumatakbo ng halos apat na dekada bilang isa sa pinakatalentado at nirerespetong aktor sa industriya.

Sa humigit na 70 pelikulang kanyang nagawa, kinikilala din siya bilang isa sa pinakaguwapong aktor sa showbiz. At kahit nga nagkakaedad na, na-maintain pa rin niya ang kanyang kaguwapuhan at freshness.

“I feel young and I feel great,” sabi ni Gabby. “I am energized to face the world and work. Salamat sa skin set ng Beautéderm, I can look fresh and revitalized any time of the day. I eat right and I work out regularly and of course Beautéderm is now an irreplaceable part of my daily regimen.”

“We welcome Gabby with open arms and we are so thrilled to have him onboard, 10th year na rin namin and we are developing new products that will expand our company. Punong-puno ng pagpapasalamat ang aking puso,” sabi naman ni Rhea.

Noong 2009 itinatag ni Rhea Tan ang Beautéderm at lumaki na nga ito nang lumaki hanggang sa magkaroon na ng napakaraming endorsers kanilang na sina Marian Rivera (Reverie by Beautéderm Home), Lorna Tolentino, Sylvia Sanchez, Carlo Aquino, Ejay Falcon at marami pang iba.

Sa ngayon, mayroong humigit sa isang libong resellers at distributors ang Beautéderm dito sa Pilipinas at sa ibang bansa at nagpapadala ito ng mga produkto araw araw dito at sa abroad sa tulong ng isa sa pinakatanyag na shipping company sa bansa.

Ibinalita rin ni Rhea na sa mga susunod na buwan ay marami pa silang good news na ibabahagi sa publiko, kabilang na ang pagpapakilala ng mga bagong celebrity endorsers na madadagdag sa palaki nang palaki nilang pamilya.

Read more...