Kris may matinding pasabog sa pagtatapos ng ‘HSDNBK’

KRIS BERNAL, RAYVER CRUZ AT MEGAN YOUNG

Sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Afternoon Prime series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, asahan na ang matinding twist na mangyayari sa kuwento na siguradong ikaka-shock ng manonood.

Sabi nga ng tatlong bida ng serye na sina Kris Bernal, Megan Young at Rayver Cruz, tiyak na magugular ang Kapuso viewers sa magiging ending ng HSDNBK ngayong malapit na itong magtapos.

Sa mga susunod na episode, malalaman na kung ano ba talaga ang nangyari kay Matteo (Rayver) na ilang araw nang nawawala matapos mabuking na si Naomi (Kris) nga ang sumasanib sa katawan ni Katya (Kim Domingo).

At ngayong nawawala nga si Matteo, ano ang susunod na gagawin ni Yvie (Megan) para mahanap ang asawa? Kakayanin kaya niyang labanan ang kaluluwa ni Naomi? Paano kung hindi lang si Matteo ang paghigantihan ni Naomi, ano ang gagawin niya kung pati ang kanyang anak ay malagay na rin sa bingit ng kamatayan?

Marami pang magaganap na pasabog sa pagpapatuloy ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, lalo na sa mangyayari sa karakter ni Kris na hindi titigil sa paghihiganti hanggang sa hukay.

Read more...