Bianca-Win walang katalu-talo: May win ka na, may Manalo pa

WIN GATCHALIAN AT BIANCA MANALO

Pinagpipiyestahan sa social media ang litrato nina Bianca Manalo at Sen. Sherwin “Win” Gatchalian. Ito na nga kaya ang kumpirmasyon sa matagal nang nababalitang relasyon nila?

Sa Instagram, ipinost ng beauty queen turned actress on Friday ang mga litrato nila ng senador na kuha sa 50th birthday celebration ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero. Nilagyan ito ni Bianca ng caption na, “This thing called love… We go tegether…remembered forever…chang chang changitty chang sha-bop…that’s the way it should be…oooh yeah!”

Unang nakita na magkasama ang dalawa noong November, 2018 at simula nga noon madalas na silang makita together sa special events pero wala pang kumpirmas-yon sa kanilang relasyon.

Comment ng mga netizen, walang katalu-talo ang dalawa dahil may win na, may manalo pa.

Read more...