Kilalang Aktor mukhang pera, dating mga kabarkada naloka sa pinaplanong reunion

MARUNONG talaga sa buhay ang isang pamosong male personality na sumikat nang todo nu’ng kanyang kabataan pero hanggang ngayo’y aktibo pa rin sa kanyang career.

Pagdating sa pagkakaperahan ay siya ang nangunguna, alam niya ang pasikut-sikot ng pagkita ng datung, walang makakakabog sa kanya.

Nagbakasyon sa ibang bansa ang male personality kamakailan, kinontak niya ang kanyang mga kaibigan, matagal kasi siyang naninirahan-nagtrabaho sa bansang ‘yun nang masangkot siya sa malaking iskandalo dito ilang dekada na ang nakararaan.

Kuwento ng aming source, “Natural, natuwa naman ang mga tinawagan niya, nakakaalala nga naman ang male personality! Gusto raw kasi niyang maging makabuluhan ang ilang linggo niyang bakasyon sa malamig na bansang ‘yun!

“Pero heto na. Ang gusto palang mangyari ng lalaking personalidad, e, magkikita-kita nga sila sa isang bar, pero bayad ang kanyang talent fee, magso-show pala siya!

“Kakantahan niya ang mga kaibigan niya pero for a fee! Ganu’n na ganu’n nga ang gusto niyang mangyari, magkikita-kita silang magkakaibigan, pero kailangang bayad ang presensiya niya sa bar!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Sa inis ng kanyang mga dating kasamahan sa trabaho at kaibigan ay nag-usap-usap ang mga ito na huwag nang sasagutin ang mga tawag ng male personality.

“Pinagtaguan na lang siya ng mga kaibigan niya, dinedma na lang nila ang mga tawag at text ng male personality! Bakit pa nga naman, e, hindi naman pala sila nami-miss ng kaibigan nila, kundi pagkakaperahan lang sila!

“Nakakaloka nga naman ang lalaking ‘yun, wala siyang kabusugan! Ano pa ba naman ang kailangan niya, e, maayos na naman ang buhay niya ngayon, di ba?

“Ang kailangan niyang asikasuhin, e, ang problema niya sa family niya na takang-taka kung bakit at paano niya naibenta ang isang property na hindi naman para sa kanya lang!

“Sinolo niya ‘yun, kaya nakatikim siya ng asunto mula mismo sa mga kapatid niya!” inis na pagtatapos ng aming source.

Naku naman, bigay na bigay na ang mga clue kung sino siya, Bradly Guevarra, Jon at Ching Bautista Silverio (nasa Amerika kasi si Tita Nene Ulanday), siya na nga ‘yun!

Read more...