“PARA siyang si Ms. Nora Aunor!” Ganyan inilarawan ni Epy Quizon ang award-winning singer-performer na si KZ Tandingan.
Si Epy ang makakatambal ni KZ sa kauna-unahan niyang pelikula, ang “The Art of Ligaw” under CoreMinds Productions. This is also the first time na sasabak sa akting ang Kapamilya singer kaya naman magkahalong nerbiyos, hiya at excitement ang nararamdaman niya.
Sa presscon kahapon ng “The Art of Ligaw”, inamin ni KZ na talagang pinag-isipan niya nang bonggang-bongga kung tatanggapin ba niya ang offer ng CoreMinds at ng diretor ng movie na si Jourdan Sebastian dahil alam niyang hindi biro ang papasukin niyang mundo.
“Noong una ko pong nalaman, na-overwhelm ako. Kasi, singer naman talaga ako, e. Sa 7 years ko dito sa industriya, singer ako. So noong sinabihan po nila na aarte ako, sobrang nalula ako, magkahalong hiya at sobrang nerbiyos talaga,” chika ni KZ.
“Pero I always tell myself na you’ll never grow in your comfort zone. So noong sinabi nila sa akin na I was given this opportunity, to be part of this movie, tumalon ako sa bangin knowing na andon sila to guide me. Talagang inalalayan ako, hindi ako pinabayaan sa project,” dugtong pa ng dalaga.
Napakarami raw niyang natutunan habang ginagawa ang first movie niya, lalo na sa leading man niyang si Epy na first time ring magpapakilig sa isang full length film.
“Sobrang nurturing ng lahat ng experience for me. Ang dami ko pong natutunan at ang dami ko po na-realize na pwede ko pa palang gawin,” pahayag ni KZ na hindi napigilan ang mapaluha nang humarap sa entertainment press matapos ipalabas ang isang video presentation na naglalaman ng ilang eksena sa kanilang workshop session.