Feelings sa bestfriend ipagtatapat na ba?

MAGANDANG araw sa iyo, Ateng Beth.
Kamusta po kayo at sa inyong mga tagasubaybay?
Ako po si Amber, 20 years old at Grade 12 dito po sa Davao City.
Ateng Beth, may itatanong lang po sana ako at sana mapayuhan mo ako.
Meron kasi akong bestfriend na lalaki. Simula pagkabata ay magkaibigan na kami. Marami akong alam tungkol sa kanya at ganoon din naman siya sa akin.
Ang problema ko po ngayon ay kung paano ko ba mapapahinto itong nararamdaman ko sa kanya. Bukod pa kasi sa bestfriend and nararamdaman ko para sa kanya.
Na-feel ko lang naman po ito nang lagi niyang ipinararamdam na special ako para sa kanya. Lagi siyang nage-effort para ma-feel ko na I really am special to him dahil bestfriend niya nga raw ako.
Pero ang nakakainis ay meron po siyang nililigawan. Hindi ko po alam kung ganoon din ba ka-special ang treatment niya doon sa girl.
Hindi ko po alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang feelings ko para sa kanya o ihihinto ko na?
Amber, Davao City

Magandang araw din sa iyo, ate Amber!
It is OK na makaramdam ng ganyan sa isang tao na espesyal talaga sa iyo…’yung more than just bestfriend.
Pero maaari mo pa rin namang pigilan ang ganyang pakiramdam sa isang kaibigan.
Sabi mo nga, may nililigawang iba, hindi ba?
If that person treats you special, more special than anyone else, hindi ba dapat ikaw ang niligawan?
Pero in this situation, maaaring hindi ka niya nakikita na more than a friend.
Mas mabuti pa sigurong ibaling mo na lamang sa iba ang iyong feeelings upang hindi masira ang inyong pagkakaibigan.
Huwag mo masyadong bigyan ng malalim na pakahulugan ang pagtreat n’ya ng special sa iyo, baka bestfriend material lang talaga ang turing niya, iba naman ang gets mo.
Huwag masyadong umasa nang hindi masyadong masaktan.
If you want him to know naman your feelings, pwede mo rin namang ipagtapat sa kanya. But beware, dalawa ang posibleng mangyari diyan, una maaari niyang i-reciprocate ang nararamdaman mo sa kanya. At malay natin more than friends nga rin ang feelings niya for you (but unfortunately, hindi kasi may niniligawan nga siyang iba).
At ikalawa, baka magdulot ito ng awkward situation sa pagitan ninyong dalawa, at maaring maglayo sa inyong dalawa bilang magkaibigan.
Or pwede rin namang pakinggan ka niya at pasalamatan, pero sasabihin niya sa iyo, na hanggang friends lang ang pagtingin niya sa iyo.
Nasa sa iyo ‘yun kung keri mong harapin ang ganyang mga sitwasyon.

Read more...