SINABI ng agriculture office ng Sto. Tomas, Batangas, na nananatili ligtas ang lungsod at buong lalawigan sa African Swine Fever (ASF) matapos namang magnegatibo sa swine virus ang isang namatay na baboy.
Tiniyak naman ni city agriculturist Ofelia Malabanan na sumunod sila sa mahigpit na protocol kaugnay ng paglilibing ng namatay na baboy kung saan nag-spray pa ng disinfectant sa babuyan sa Barangay San Agustin kung saan nagmula ang baboy.
“It was due to (a) respiratory (illness),” sabi ni Malabanan.
“Cough and fever (among pigs) are rampant given the current weather which could last for three to four more months,” ayon pa kay Malabanan.
Sinabi ng Department of Agriculture na umabot na sa 12,000 ng baboy ang nag-positibo sa ASF simula Agosto.
Ipinag-utos na ng probinsiya ang ban sa pagpasok ng baboy sa mga lugar na apektado ng ASF, kabilang ang Rizal, Bulacan, Pampanga at Quezon City.