TSISMIS na nanggaling mismo sa Malakanyang: Bago basahin ni Pangulong Noy ang kanyang prepared speech sa State of the Nation Address o SONA noong Lunes, binigyan niya ang kanyang mga Cabinet members ng kopya ng kanyang talumpati.
Ang hindi binigyan ng kopya ng speech ay si Executive Secretary Jojo Ochoa.
Hulaan ninyo kung bakit.
Dalawang deputy customs commissioners ang nagbigay ng kanilang irrevocable resignation matapos batikusin ng Pangulo ang Bureau of Customs sa SONA.
Ang dalawa ay sina Danilo Lim ng Intelligence Group, at Juan Lorenzo Tañada ng Internal Administration Group.
Meron silang delicadeza di gaya ng kanilang boss na si Customs Commissioner Ruffy Biazon.
De lastiko ang pagbibitiw ni Biazon.
Binawi niya ang kanyang offer to resign matapos sabihin sa kanya ng Pangulo na huwag magbitiw.
Kung may kahihiyan si Biazon, dapat ay di siya nagpapigil dahil sa kanya isinisisi ang walang tigil na smuggling sa customs.
Lahat ay sinisisi ni Biazon maliban ang kanyang sarili.
Anim ang deputy commissioners sa Customs maliban kina Lim and Tañada.
Sina Deputy Customs Commissioners Horacio Suansing ng enforcement at Prudencio Reyes ng assessment and operation ay nagsabi na ipinadala nila ang kanilang resignation letter sa Palasyo.
Ganoon din si Director George Alino ng Customs enforcement and security service.
Sabi ng aking source sa Palasyo, hindi pa natatanggap ang kanilang resignation letters.
Ha? Baka ipinadala nila ang kanilang resignation letter sa koreo na kasing bagal nang pagong kung mag-deliver ng sulat.
qqq
Ang dalawa pang Customs deputy commissioners na dedma sa panawagan ng publiko na dapat bumitiw ang mga matataas na opisyal ng customs ay sina Peter Manzano ng revenue collection
monitoring, at Maria Caridad Manarang ng management, information system and technology.
Kapit-tuko sila sa kani-kanilang puwesto.
Si Manzano ay bata-bata ni Ochoa na, sa
aking narinig sa ugong-ugong sa Palasyo, ay malapit nang sibakin.
qqq
Hindi ko kilala ang kanyang kapwa deputy commissioners, pero kilalang-kilala ko si Danny Lim.
Nakilala ko si Lim noong siya’y captain pa lamang sa Army Rangers.
Si Lim, na retired general, ay miyembro ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) at Young Officers Union (YOU) noong panahon ni Pangulong Cory Aquino.
Sumama sa mga coup si Lim dahil di niya masikmura ang mga katiwalian sa Armed Forces.
Malinis at straight si Danny Lim, isang graduate ng West Point.
Kung sino man ang dapat pakiusapan ni Presidente na huwag magbitiw, dapat si Lim at hindi si Biazon.
Sinabi ni Lim sa isang panayam na maraming pulitiko at executive officials ang tumatawag sa kanya kapag siya at ang kanyang mga tauhan ay nakakahuli ng smuggled cargo.
Kahit na raw di huhulihin pa lang nila ang isang suspected smuggled cargo ay marami nang tumatawag sa kanya.
Alam daw ng mga pulitiko at executive officials kung meron siyang huhulihing kargamiyento.
Hindi binanggit ni Lim kung sino ang mga tinuturing na mga pulitiko at opisyal, pero may nakapagsabi sa akin na ito ay isang opisyal sa Palasyo.
Mataas daw na opisyal sa Palasyo.
Kaya naman pala di natitigil ang smuggling.