Sikat na male celeb buking ang kabaklaan; type na guy binigyan ng sariling negosyo

By Cristy Fermin October 10,2019
share this

Sikat na male celeb buking ang kabaklaan; type na guy binigyan ng sariling negosyo

By Cristy Fermin October 10,2019
share this


PATAY kang bata ka! Kahit gaano kagustong ilihim ng isang pamosong male personality ang lihim niyang pagbibigay ng negosyo sa isang non-showbiz guy ay umalingasaw pa rin ‘yun.

Kabilin-bilinan pa naman ng guwapong male personality ay huwag na huwag sasabihin ng lalaki kahit kanino na siya ang namuhunan sa business pero kumawala pa rin ang kanyang lihim!

Kuwento ng aming source, “Naku, nakakaloka ang kuwentong ‘yun! Kasi nga, ang lalaking ‘yun ang pinagkakaabalahan ngayon ng guwapong male personality!

“Actually, meron siyang kaagaw sa guy, isang male personality rin na tulad niya, e, pinagdududahan din ang sexuality!

“Pero kinabog niya ‘yun dahil binigyan niya ng puhunan sa isang business ang lalaki! May negosyo na ngayon ang guy, ang guwapong hunk actor ang nagbigay!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Madatung na ang male personality, marami na siyang naipon mula sa kanyang mga raket bilang pamosong artista, kaya can afford na siyang magregalo kahit ng negosyo mismo.

Patuloy ng aming source, “Napakabongga naman niya talaga, di ba? Walang makakakabog talaga sa kanya kapag ganyan na ang labanan! Bakit, kaya ba ng ibang tao ang ganu’n?

“Sino namang guy ang hindi magkakagusto sa kanya kung ganyan na ang labanan? Business talaga, as in kabuhayan showcase, ang ibinibigay niya sa mhin! May lalaban at papantay pa ba sa kanya?

“Pero lihim na lihim dapat ‘yun, kabilin-bilinan kasi ng guwapong male personality na hindi dapat lumabas na siya ang nagbigay ng puhunan sa guy!

“Kaso, sa sobrang proud siguro ng lalaki, e, naikuwento niya sa mga close friends niya na ang guwapong hunk actor nga ang namuhunan para sa negosyo niya!

“Ibang klase talaga ang male personality na ito na napakatagal nang panahong hinihintay ng marami ang pag-a-out, pero no way! Hanggang ngayon, e, nagpapa-cute pa rin siya sa mga girls!

“Naku, ayaw ng isang female personality na minsang nakarelasyon ng lalaking personality ang kuwentong ito! Ang isisigaw niya, e, confirmed!” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na this! May iba pa ba naman kundi siya lang?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending