Anyare, bakit si Cesar lang ang kasama ni Phillip sa Russia, wala sina Robin at Bayani?


BY NOW ay nakauwi na ng bansa ang Philippine delegation after a weeklong trip to Russia.

Ito ang kauna-unahang official junket ni Mocha Uson since her recent appointment as deputy executive administrator of OWWA.

Unlike her past trips noong siya’y ASec ng PCOO which were in question, makatwiran ang pagkakasama ni Mocha sa naturang biyahe.

Isa kasi sa maraming nakalatag sa bilateral agreement sa pagitan ng bansa at ng Russia ay para sa kapakinabangan ng ating mga OFW.

Aside from overseas employment, kasama rin sa aspetong pag-iibayuhin ay may kaunayan sa health, science and technology, trade and economy, defense, among others, hence the presence of a couple of department secretaries.

Siyempre, given na ang inclusion ni Salvador Panelo bilang tagapagsalita ng Pangulo. This may also be said of the presence of Sen. Bong Go na nagsabi noon na kung maaari niyang isingit sa kanyang trabaho bilang Senador, he could be of “special assistance” to the President.

At siyempre pa rin, kapag nariyan lang si Go sa paligid, can Phillip Salvador be far behind? As usual, Kuya Ipe was part of the entourage which flew to the Putin country.

And on top of these “siyempres,” nakapagtataka ba kung walang kapwa artistang ikinaray sa biyahe? But wait, meron nga pero naiba ang casting.

In the entourage was Cesar Montano na kung anong opisyal na kapasidad ay may isang malaking tandang pananong sa dulo.

Nakapuwesto na ba uli sa gobyerno si Cesar? After he tendered his courtesy resignation bilang hepe ng Tourism Promotions Board, does he serve at the pleasure of Digong again? If so, bilang ano?

Showbizified, however, thinks na malabong mabigyan ng puwesto si Cesar until he’s made to explain the TPB’s fund disbursement na umabot ng P80 million para sa Buhay Carinderia project nito noong 2018.

May narinig na ba tayong closure sa umano’y ilegal na transaksyong ‘yon na mismong COA ang nagpatunay?

Naiba ang casting sa Russian trip dahil ang na-retain lang ay si Kuya Ipe. Conspicuously absent sina Robin Padilla at Bayani Agbayani, them collectively named as the “Three Musketeers” na ibinansag din nila sa kanilang mga sarili.

Kung nagkataong silang tatlo pa rin ang bumiyahe, they would have been called the “Three Moscow-teers”!

Why Robin wasn’t part of it, theoretically ay baka mas nakatutok siya sa asawang si Mariel Rodriguez that he’d rather fly to the US than to Russia. With Bayani, baka na-traumatize ito noong huli silang bumiyahe sa Japan kung saan kinuwestiyon kung saang bulsa nanggaling ang ipinamasahe nila ng asawang si LenLen.

Just the same, hindi rin ligtas sina Phillip at Cesar sa mga ispekulasyon as to who financed their trip gayong they don’t hold official functions. Taxpayers’ money raw ba?

Of course, their most convenient excuse would be “of course not!”

q q q

Hindi namin maiwasang magbalik-tanaw nang matisod namin ang pangalan ng Russian Prime Minister: Dmitry Medvedev.

Katunog kasi ng kanyang apelyido ang kay Nanette Medved, which isn’t one of surprise dahil ang aktres who retired in the comforts of marriage is half-Chinese half-Russian.

Nagkataon pang si Cesar na kabilang sa entourage ay dating boyfriend ni Nanette na nakatagpo ng kanyang panghabambuhay na partner sa katauhan ni Cris Po of the famous canned tuna.

Read more...