WALANG planong bumalik sa pag-arte ang TV host na si Drew Arellano.
Nag-renew uli ng exclusive contract ang host ng AHA! at Biyahe Ni Drew sa Kapuso Network kahapon kaya asahan na ang mas marami pang sorpresa at pasabog sa kanyang mga susunod na project sa GMA 7.
Present sa contract signing sina GMA Network Chairman and CEO Felipe Gozon; President and COO Gilberto Duavit, Jr.; Senior Vice President for News and Public Affairs Marissa Flores; First Vice President for Public Affairs Ianessa Valdellon; Senior AVP for Public Affairs Neil Gumban; Assistant Vice President for for Public Affairs Jaileen Jimeno; and Vice President for Corporate Affairs and Communications Angela Javier Cruz.
Naroon din ang Biyahe ni Drew Program Manager Karen Lumbo at AHA! Program Manager Mildred Ablanque-Irum.
Humarap sa entertainment press si Drew pagkatapos ng contract signing at dito nga siya natanong kung posible bang mapanood uli siya ng publiko na umaarte sa telebisyon at pelikula. Sa mga hindi pa nakakaalam, nagsimula siyang umarte sa youth-oriented show na Click kung saan nga sila nagkakilala ng asawa niyang si Iya Villania. Nakagawa rin siya ng ilang pelikula noon tulad ng “Spirit of the Glass.”
Ayon kay Drew, mukhang hindi talaga siya para sa akting kaya magko-concentrate na lang muna siya sa pagiging host, pero biro niya, “Gusto ko talagang magkaroon ng kissing scene… siyempre sa wife ko pa rin. It’s probably not gonna happen. I’m not sure if I can act.”
Tungkol naman sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa GMA, “This like a big pat on my back after 14 years and I’m very happy.”
Love na love ni Drew ang kanyang ginagawa bilang travel at “edutainment” host, “You know what they say, if you love your job it doesn’t seem like a job that’s the reason why I’ve been travelling with the Biyahe ni Drew crew or trying to make kids smarter because of AHA! I feel like it doesn’t feel like a job.”
Sinaluduhan naman ni Drew ang kanyang team sa Biyahe Ni Drew dahil kung wala ang mga ito hindi rin lalabas na maganda ang bawat episode ng show, “It’s not just the trust. There’s that huge responsibility — hey it’s my show we have to own it! Of course I’m not taking the credit, I’m giving pretty much all of the credit to my team because they are really the backbone of the show.”
Pinuri naman ni Felipe Gozon si Drew sa galing nito bilang host, “Nandito siya sa atin ng 14 years is well-appreciated at isa naman siya sa magagaling nating talents for Public Affairs.
“Biniro ko nga siya na kain siya nang kain hindi siya tumataba. Tayo naman talaga ay galak na galak na pinili nanaman niyang manatili sa ating istasyon,” aniya pa.
An Anak TV Makabata Awardee for numerous years, Drew has been recognized as the Best Travel Show host at various awarding ceremonies such as the 2019 YAEHADEMIC Awards, 1st Philippine Tourism Awards, PMPC Star Awards for TV, Alta Media Icon Awards, and UPLB Gandingan Awards.