Maja waging best actress sa Busan, Korea filmfest

MAJA SALVADOR

Wagi ang Kapamilya actress na si Maja Salvador bilang Best Actress para sa kanyang natatanging pagganap sa Kapamilya series na Wildflower sa kauna-unahang Asia Contents Awards sa Busan, South Korea.

Si Maja lang ang nag-iisang Pinay actress na nominado sa nasabing kategorya. Natalo niya ang siyam na female star mula sa iba’t ibang ASEAN countries.

Sa kanyang thank you speech, sinabi ni Maja na grabeng challenge ang hinarap niya sa pagganap bilang Ivy Aguas at Lily Cruz. Hindi raw biro ang hirap at sakripisyo na ginawa niya para mabigyan ng hustisya ang kanyang mga karakter sa serye.

Ang kauna-unahang Asia Contents Awards ay binuo para kilalanin ang outstanding TV series mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya organized by Busan International Film Festival and Asian Film Market, an annual film market in South Korea.

Samantala, isang touching birthday message naman ang natanggap ni Maja mula sa kanyang boyfriend na si Rambo Nunez last Oct. 5.

Sa kanyang Instagram account, binati ni Rambo si Maja sa kanyang 31st birthday, “Having you back was one of the best things that ever happened in my life.

“You have been my constant source of happiness, inspiration, love, and contentment. I am very proud of what you have achieved and for doing everything with the best intentions.

“You have a very wonderful heart and everyone around you knows that. I am so blessed to have you. Happy birthday, my love! So glad that we now get to spend your birthday together. I love you,” mensahe ni Rambo kay Maja.

Read more...