Popsters, KathNiel fans aprub sa Sarah-Daniel movie

DANIEL PADILLA AT SARAH GERONIMO

GAME na game ang Popstar royalty na si Sarah Geronimo sa pagsasama nila sa isang project ng tinaguriang King of Hearts na si Daniel Padilla.

Maraming Popsters at KathNiel fans din kasi ang looking forward sa possible project ng dalawang Kapamilya stars matapos ngang gumawa ng history sa takilya ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye”.

“Yes! Actually I’m looking forward to it, pero kailangan lang na perfect ‘yung material namin,” ang chika ni Sarah sa nakaraang presscon ng latest movie niyang “Unforgettable”.

Pero may kundisyon rin ang singer-actress sakaling gumawa sila ng pelikula ni DJ, “Sana hindi siya dapat maging pilit, hindi siya dapat maging formula, alam mo ‘yun dapat talagang iba.”

Kahit naman si Daniel ay very vocal sa pagsasabing isa sa mga nasa bucketlist niya ang makasama sa isang proyekto si Sarah G.

 

Read more...