Bagyo papasok ng PAR

ISANG bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa Miyerkules o Huwebes.

Ang bagyo ay mayroong international name na Hagibis. Umaabot sa 120 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin nito at pagbugso na hanggang 150 kilometro bawat oras.

Ngayong araw ang bagyo ay nasa layong 1,900 sa silangan ng Visayas.

Umuusad ito ng pa-kanluran-hilagang kanluran.

Inaasahan ang lalo pang paglakas ng bagyo pero maliit umano ang tyansa na ito ay mag-landfall maliban na lamang kung magbabago ng direksyon.

Read more...