INABSUWELTO ng Sandiganbayan Sixth Division si dating Metro Rail Transit 3 general manager Al Vitangcol III kaugnay ng tangkang pangongotong umano sa Inekon Group, isang Czech company na sumali sa bidding ng MRT3 project.
Pinagbigyan ng korte ang inihaing demurrer to Evidence ni Vitangcol at kapwa akusado nito na si Wilson de Vera.
“These cases are hereby dismissed for insufficiency of evidence,” saad ng 20 pahinang desisyon. “In fine, the Court concludes that the prosecution failed to adduce sufficient evidence to support a verdict if guilt against the two co-accused.”
Iginiit ng korte na hindi dapat ang alegasyon na nanghingi ng lagay ang mga akusado at nangangailangan ng matibay na ebidensya upang mapatunayan ito.
Ayon sa prosekusyon, ginamit umano ni Vitangcol ang kanyang posisyon noong Hulyo 2012 at nakipagsabwatan kay de Vera sa paghingi ng $2.5 milyon sa Inekon group kapalit ng kontrata ng pagsusuplay ng Light Rail Vehicles para sa capacity expansion ng MRT3.
Bukod dito ay mayroon pang kinakaharap na kaso si Vitangcol kaugnay ng pag-award ng MRT3 ng maintenance contract nito sa PH Trams at CB and T joint venture. Isa sa mga opisyal ng kompanya ay tiyuhin ng kanyang asawa.