Angkas driver arestado matapos ang panghihihipo sa babaeng pasahero

ARESTADO ang isang driver ng motorcycle ride-hailing service na Angkas sa Quezon City matapos ang umano’y panghihipo sa isang babaeng pasahero, ayon sa pulisya.

Ayon sa ulat mula sa Quezon City Police District-Station 9 (PS-9), na nakipag-inuman ang biktimang hindi pinangalanan sa kanyang mga kaibigan at nag-book sa Angkas ganap na alas-9 ng gabi noong Sabado.

Base sa imbestigasyon, habang binabagtas ang CP Garcia Avenue sa Barangay UP Campus, inilagay umano ng suspek, na nakilala bilang Herbert Teves, ang kanyang kamay  sa loob ng shorts ng biktima at hinipuan sa pribadong bahagi.

Hindi naman nakakilos ang biktima dahil sa takot.

Nang dumating sa Katipunan Avenue, hinawakan umano ng suspek ang mga hita ng biktima, bagamat hindi pa rin nakapiglas ang biktima dahil sa takot.

Nang dumating sa kanyang destinasyon, nakakita ang biktima ng mga pulis at isinumbong ang suspek na dinala sa PS-9 o Anonas police station.

Sinabi ng pulista na kakasuhan si Teves ng acts of lasciviousness.

Read more...