NAIS mo bang maging malusog at masigla? May simpleng solusyon at ito ay ang pagkain ng 2 tasang prutas at 2 tasang gulay kada araw.
Maraming benepisyo ang makukuha rito gaya ng mga sumusunod:
1. Kumpleto ito sa bitamina. Makukuha mo ang bitaminang kailangan ng iyong katawan kada araw.
2. Makakaiwas ka sa kanser. Ang pagkain ng sapat na gulay at prutas kada araw ay makakabawas ng kanser ng tatlo hanggang 10 porsyento.
3. Magiging regular ang iyong pagdumi. Malaking tulong ang prutas at gulay sa ating tiyan at butuka.
4. Panlaban sa stress. Giginhawa ang iyong pakiramdaman sa pagkain ng prutas at gulay.
5. Panlaban sa init. Ang pagkain ng matutubig na prutas katulad ng melon o pakwan kapag masyadong mainit ang panahon ay nakakatulong sa iyong katawan.
6. Makakatulong para mapanatiling bata at malusog ang iyong katawan. Hindi lang malusog na katawan ang maidudulot nito kundi may fresh o refreshed and feeling dahilan para magmukhang bata.