Juday: Ang dami kong naging nanay at tatay sa showbiz, ang daming umampon sa akin


TODAY ang simula ng Starla na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos with Raymart Santiago and Joel Torre.

Kasama rin dito ni Juday ang napakagaling na child star na si Enzo Pelojero. Aniya, she saw herself kay Enzo dahil nag-start din siya bilang child star.

“Oh, yes, definitely. Nakita ko kay Enzo ‘yung sarili ko before. Kapag nagte-taping kami, nakita ko ang sarili ko kay Enzo before kung paano siya makipaglambingan sa mga crew, kung paano siya makipag-usap.

“Naalala ko na ganu’ng ganoon ako dati kaya ko sinasabi ng ang lawak ng naging pamilya ko. Mula nang mag-umpisa ako ay ang dami kong naging tatay, ang dami kong naging nanay, mga ka-patid. Ang daming umampon sa akin.

“Kumbaga, hindi kinuha talaga ang childhood ko sa akin kasi na-enjoy ko siya nang bonggang-bongga dahil ang dami kong minahal, ang daming nagmahal sa akin. Na-appreciate ko ang lahat ng taong nakasama ko sa trabaho,” ani Juday.

“Si Enzo, nakita ko kung paano siya magbigay ng respeto sa tao sa set. I appreciate it a lot. Malaking bagay para sa isang child actress dati na may nakikita kang values sa mga batang nagtatabaho.

“Sa nangyayari ngayon sa atin ang malaki na ang kaibahan ng mga bata, probably because of the social media, because of the internet. Iba na ngayon ang mga bata.

“I am just so happy at na-appease ang damdamin ko bilang magulang na hindi lahat ng bata pala ay apektado sa nangyayari sa social media. Mayroon pa ring mga bata na nakikinig, may values, may kindness sa puso nila. Nangi-ngiti ako kapag nakikita ko si Enzo kasi ang sarap balikan noong mga pinagdaanan ko noong bata ako because that’s the best part of my life,” dagdag niya.

So, what is the advantage of working at an early age? “Siguro ang malaking disiplina na naibigay sa akin noong nagtrabaho ako ng bata palang ako is naba-va-lue ko kung ano ang pinaghirapan ko. Kung saan man ako nakarating ngayon, malaking bagay kung saan ako nanggaling.”

Read more...