Security staff walang nagawa nang sugurin ng fans si Alden


HINDI man detalyadong sinabi ng Pambansang Bae kung saan nawala ang kanyang rosary bracelet na limang taon na pala niyang iniingatan at ginagamit ay nabahala ang kaibigan naming nang-imbita sa kanya sa fiesta ng San Rafael, Bulacan.

Walang ibang puwedeng pangyarihan ng pinahahalagahang rosary bracelet ni Alden Richards na iniyakan niya kundi ang paglusob ng mga fans sa mismong entablado na hindi na kinayang pigilin ng mga barangay tanod.

Harap-harapan naming nakita ang insidente, pakiramdam nga naming magkakaibigan, baka kahit ang police force na ng San Rafael ang namahala sa seguridad ni Alden ay hindi rin ‘yun maiiwasan.

Nagmistula kaming papel na kung saan-saan napapadpad nang maglusuban ang kanyang mga fans sa mismong stage, walang nagawa ang mga itinalagang dapat sana’y magpapasok at maglalabas kay Alden sa gym papunta sa stage.

Sabi ng aming kaibigang si Tita Flory Estrada, “Hiyang-hiya ako sa nangyari, hindi namin inaasahang magkakaganu’n pala ang scenario pagkatapos kumanta ni Alden.

“Hindi naman biro ang bilang ng mga security na pumaikot sa kanya, pero talagang hindi na nila kinaya ang napakaraming nag-mob sa kanya sa stage.

“Meron akong rosary na blessed din sa Vatican, hindi ko pa nabubuksan, gusto kong iregalo kay Alden ang rosary para kahit paano naman, e, mabawasan ang lungkot niya,” sinserong pahayag ni Tita Flory Estrada.

Kitang-kita sa pangyayaring ito kung paano at gaano binibigyan ng pagpapahalaga ni Alden Richards ang mga regalo sa kanya.

Napakabuting puso.

Read more...