Paolo pang-Guinness ang record sa ‘Bawal Kumurap’

PANG-GUINNESS Book of World Records na rin pala ang TV host-comedian na si Paolo Ballesteros matapos niyang manalo sa “Bawal Kumurap, Nakamamatay ng Suwerte” segment ng Eat Bulaga.

Natalo niya agad si Pauleen Luna na siyang record-holder sa celebrity edition ng bagong paandar ng Kapuso noontime show. Nalampasan niya ang mahigit kalahating oras (30:44 ) na hindi pagkurap ni Pauleen dahil umabot sa 1 hour, 17 minutes, at 3 seconds ang kanyang record.

Si Allan K ang nakalaban ni Paolo at dahil inabutan na sila ng pagtatapos ng show kaya ipinagpatuloy ito sa Facebook live ng Eat Bulaga hanggang sa sumuko na nga si Allan K at itanghal na winner si Pao.

Ayon sa isang report, hindi lang ang record ni Pauleen ang nabura ni Paolo sa patagalan nang hindi pagkurap kundi pati ang world record ni Michael Thomas na isang oras at 5.61 seconds noong March 8, 2015 sa contest na Longest Time To Keep Eyes Open Without Blinking.

Read more...