LA Santos pararangalan sa Leaders Awards Global Excellence

MULA sa unang guesting noong 2015 sa concert na “Jukebox Queens” nina Imelda Papin, Eva Eugenio at Claire dela Fuente ay malayo na ang narating ng recording artist na si LA Santos.

Bukod sa solo shows, nakasama rin siya sa concert nina Martin Nievera at Ian Veneracion at na-penetrate na rin niya ang K-Pop world. Nakagawa rin ng pelikula ang promising artist son ni Madam Flor Santos kabilang na ang action-drama ni Cristine Reyes na “Maria.”

Mapapanood na sa YouaTube ang music video ni LA para sa kanyang pino-promote na single na “Isang Linggong Pag-ibig” na kinunan pa sa sikat na parola (lighthouse) sa Calatagan, Batangas at idinirek nina Gabby Ramos at Joel M.

Makakasama rin si LA bilang special guest sa 45th anniversary concert ni Imelda Papin sa Philippine Arena ngayong Oct. 26, 7 p.m..

Bukod dito isa rin si LA sa bibigyan ng award ng Leaders Awards Global Excellence bilang Music Millennial kasama sina Jake Zyrus, RS Francisco at RJ Ledesma na magaganap sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel sa Nov. 19.

May bagong social media account din ang binata pala, ang 8PM SESH with LA Santos kung saan pwede niyong i-like at i-share ang kanyang mga photos and videos at sabay subscribe na rin sa kanyang new FB Fanpage.

Read more...