‘Sana matuto na si Mocha sa mga sablay at kapalpakang nagawa niya’

LIKE a person resurrected from the dead ay buhay na buhay uli si Mocha Uson sa mundo ng public office sa pagkakatalaga sa kanya bilang deputy administrator ng OWWA.

Sa mahigit kalahating term ni Pangulong Rodrigo Duterte, if we’re not mistaken ay si Mocha ang may pinakamaraming appointments. Una, sa MTRCB; sinundan ng PCOO, at ito ang huli.

Hadn’t Mocha run for Congress sa ilalim ng party list, malamang ay nananatili pa rin siya sa PCOO. But it wasn’t right up her alley, alam nating lahat ‘yon.

Sa kanyang bagong puwesto, nawa’y magsilbing leksiyon kay Mocha ang kanyang mga pagkakamali, kapalpakan, kasobrahan at kakulangan which she had previously grossly committed.

Herself an OFW many years ago, sana’y mapulsuhan niya ang mga manggagawang Pinoy hinggil sa kanilang mga hinaing at pakiusap while working their butts in some foreign soil away from their families.

This is just a question borne out of curiosity.

In question kasi ang appointment ni Mocha gayong wala pang isang taon mula noong kumandidato siya bilang first nominee ng Kasosyo party list. Iba naman daw ang nominee sa kandidato, pray tell us the difference.

Read more...