SINABI ng mga imbestigador na sinadya umano ang sunog na tumupok sa Star City amusement park.
Ayon kay Pasay City Fire Marshal Paul Pili nakakita ng gasolina sa lugar na hindi naman nararapat.
“Nakikita natin na ‘yung gasolina, it is not necessary the place where we see it. So because of that, we are now… sa aming mga imbestigador, it is already an arson case,” sabi ni Pili sa isang panayam.
Idinagdag ni Pili na isang “Mr. Wong,” kasama ang iba pang mga tauhan ang pumasok sa bisinidad ng Star City na may dala-dalang mga sako ng bulak nang gabing sumiklab ang sunog.
Ani Pili, si Wong lang ang gumamit ng log book at hindi ang mga kasama.
“Bakit hindi naglogbook; naglogbook siya pero hindi niya nilogbook yung mga kasama niya,” ayon pa kay Pili, sa pagsasabing maaaring mapabilang si Wong sa person of interest.
“Wong is a tenant of the amusement park,” ayon pa kay Pili.
Sinabi pa ni Pili na may posibilidad na ang mga opisyal ng Star City corporation ang nagsimula ng sunog.
Iginiit naman ni Pili na kailangan pang kunin ang panig ng pamunuan ng Star City kaugnay ng insidente.
“We will look into it kung sila ba ay nalulugi o hindi. Doon makikita ‘yung motibo kasi mahirap i-pinpoint kung sino nagsunog,” paliwanag ni Pili.
Ibinasura ni Pili ang posibilidad na faulty electricity ang sanhi ng sunog.
“…as part of the standard operating procedure of Star City, electricity was shut down during non-operational hours,” sabi pa ni Pili.
Itinanggi naman ng pamunuan ng Star City na arson ang sanhi ng sunog.
“There is gasoline inside the Star City Complex because there is a ride that runs on gasoline particularly the Bumper Boat,” sabi ni Atty. Rudolph Steve E. Jularbal, VP Legal/ AM Network Operations at spokesperson ng Star City.
Ayon pa kay Jularbal na walang kakaiba sa pagdadala ng bulak sa loob ng Star City.
“That there were some persons that brought in cotton is not unusual because cotton filling is being used to stuff toys redeemed in games. In fact, most if not all of the stuffed toys are filled with cotton. Almost all theme parks, including those outside of the Philippines, sell or give as prizes, stuffed toys in the ordinary course of their business,” paliwanag pa ni Jularbal.
Iginiit ni Jularbal na walang dahilan para sadyang sunugin ang amusement park.
“We are not aware of any motive, including financial gain, that would induce the commission on arson specially on the part of Star City as the business is profitable and a bumper Christmas Season was expected,” giit pa ni Jularbal.
Nasunog ang halos Star City alas-12:22 ng umaga noong Oktubre 2 kung saan umabot ito ng Task Force Bravo.
Idineklara itong naapula na ganap na alas-2:02 ng hapon.
Sinabi ng mga otoridad na aabot sa P1 bilyon ang natupok sa sunog bagamat wala namang nasaktan.