LOYAL talaga ang hunk actor na si James Reid sa girlfriend niyang si Nadine Lustre.
Confirmed na ang bagong project ni James sa ABS-CBN, ang Soulmate at makakasama nga niya rito ang sikat na sikat ngayon sa mga millennial na si Nancy Mcdonie, isa sa mga member ng K-Pop girl band na Momoland at sinasabing look-alike raw ni Liza Soberano.
Siyempre, maraming JaDine fans ang nabwisit dahil bakit hindi na lang daw si Nadine ang itinambal kay James, bakit kailangang mag-import pa ng leading lady para sa aktor.
Dahil dito, bagbigay agad ng babala si James sa pamamagitan ng kanyang Twitter account. Aniya, “I’m honoured to be part of the new project ‘Soulmate’ in ABS-CBN but please guys, no love team names I’ve already got one #Jadine.”
Pero kung marami ang nagalit, marami rin naman ang natuwa at na-excite sa pagsasama nina James at Nancy sa nasabing proyekto na ididirek ni Antoinette Jadaone.
At least, kahit kumawala na si James bilang talent ng Viva Artists Agency, may proyekto pa rin siya kasabay ng pagtatayo ng sarili niyang business, ang James Reid Management.
Sa totoo lang, mas focus ngayon si James sa pagkanta via his own label, Careless at desidido na rin siya na maghanap ng iba pang talents para sa kanyang talent management.