Veteran actress Amalia Fuentes pumanaw na sa edad na 79

PUMANAW na ang veteran actress at ang tinaguruang “Elizabeth Taylor of the Philippines” na si Amalia Fuentes dahil sa multiple organ failure. Siya 79 years old.

Kinumpirma ng kanyang apong si Alfonso Martinez at pamangkin na si Niño Muhlach ang malungkot na balita ngayong umaga.

“It is with great sadness that I together with my siblings Alyanna and Alissa, inform you that our Grandmother, Amalia Amador Muhlach has taken her last breath this morning in the Philippines. 

“She is now reunited with her husband Joey Stevens, our mother Anna-Lissa Martinez and her ex-husband, our Lolo Bobby. We have prayed for nothing but peace for her and now she can finally rest. 

“Our family only asks that you respect our privacy during this time and join us in praying for her soul,” ang mahabang mensaheng ipinost ni Alfonso sa kanyang Facebook account.

Si Alfonso ay isa sa tatlong apo ni Amalia sa nag-iisang anak na si Liezl Martinez, na sumakabilang buhay naman noong March 14, 2015 sa edad na 47.

Nag-post din sa FB si Niño Muhlach ng kanyang mensahe para kay Amalia kalakip ang isang video kung saan mapapanood ang anak niyang si Alonso na kinakantahan ang veteran actress, “Rest in Peace Tita Nena. We will miss you!” 

Kung matatandaan, October, 2015 nang ma-stroke si Amalia habang nagbabakasyon sa South Korea at mula noon ay naging bedridden na ang movie icon.

Ang huling pagkakataon na nakita ang aktres ng maraming tao ay nang dumalo siya sa birthday party ng kapatid na si Alex Muhlach noong June , 2017. 

Read more...