Alfred Vargas isusulong ang Magna Carta sa showbiz

ALFRED VARGAS

Nagbunga ang sakripisyong ginawa ni Cong. Alfred Vargas noong 2010 nang iwan ang career sa showbiz para pasukin ang politika.

Sa pagtatapos ng termino niya sa year 2022, ang paggawa ng legacy projects ang pinagtutuunan niya ng oras ngayon.

“Pero looking back, ‘yung decision ko noong 2010, ‘yung iwan ko ang showbiz for public service, ‘yun pala ang best decision na ginawa ko,” saad ni Cong. Alfred.

“So right now, I am very, very fulfilled. Very, very happy. Kasi along the way, marami tayong natulungan at nabago ang buhay nila,” dagdag niya.

Bukod sa pagtulong sa nasasakupan, kasama rin sa plano niya ang ipagpatuloy ang tulong sa movie industry.

“In close coordination tayo sa FDCP (Film Development Council of the Philippines). Gusto rin natin nu’ng incentives, mga benepisyo ng workers. ‘Yun ang patuloy nating ipinaglalaban.

“Ang gusto nating mangyari, ma-improve lalo at ma-empower ang FDCP at hindi natin nakakalimutan ang benefits ng workers pati sa nagtatrabaho. Gusto nating magkaroon ng Magna Carta.

“Budgetary support ang tinutulong ko sa FDCP,” pahayag pa ng representative ng 5th District ng Q.C.

Bukod sa film industry gusto rin ni Cong. Vargas na saluduhan ang mga teacher ngayong National Teacher’s Month na nag-coincide sa World Teachers Day ngayong araw.

“We rely our future of the youth today and teachers have the extraordinary power to make our children the best they am possibly be,” sabi ng kongresista.

Sa totoo lang, dahil maluwag-luwag na ang schedules niya, may special guesting ang actor-politician sa upcoming Kapuso series na Magkaagaw at natapos na rin niya ang pelikulang “Tagpuan” with Iza Calzado and Shaina Magdayao na intended for 2019 Metro Manila Film Festival.

Read more...