KASONG administratibo at kriminal ang kakaharapin ng mga recruiters na nagpapadala ng mga menor de edad para magtrabaho sa ibang bansa.
Sa kasalukuyan . dalawang recruitment agency na ang nahaharap sa kaso matapos mag-deploy ng mga menor-de-edad bilang household service worker sa Saudi Arabia.
Kinilala ni Philippine Overseas Employment Administrator Bernard Olalia ang mga ahensiya na LGH International Services na nag-deploy sa 17-taon gulang sa Riyadh, at ang Side International Manpower Inc., na nag-deploy ng 14-years old sa Jeddah.
Maliwanag na ni-labag ng dalawang ahensiyang ito ang patakaran ng POEA ukol sa illegal recruitment at human trafficking at inilagay sa delikadong sitwasyon ang seguridad at kapakanan ng dalawang menor-de-edad at sa mapang-abusong gawain.”
Maliban sa kanselasyon ng lisensiya, papatawan din ang dalawang recruitment agency ng multa na aabot ng P500,000 hanggang P1 milyon.
Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang POEA sa Department of Foreign Affairs at iba pang kinauukulang ahensiya para imbestigahan ang mga pekeng dokumento, gayundin ang kanilang pekeng pasaporte.
Binibigyang babala ang publiko ukol sa mga iligal na gawain ng mga ahensiyang ito, lalo na iyong naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.
Walang lugar ang illegal recruitment at human trafficking para makapag-trabaho sa ibang bansa.
Ang dalawang menor-de-edad ay kabilang sa mga inabuso at minaltratong OFW na nakauwi noong nakaraang linggo, at ngayon ay kasama na ng kanilang mga pamilya at nabigyan na rin ng tulong mula sa pamahalaan.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.