EUGENE sobra na ang pag-iinarte, veteran actress pinalayas daw sa dressing room?


NAKAKALOKA pala itong si Eugene Domingo dahil feeling superstar na ang hitad. Me nakapagsabi sa amin na hindi raw nito feel na me kasama sa kanyang tent kapag may shooting.

Talagang gumagawa raw ito ng eksena para mapaalis ang ka-join niyang artista sa iisang tent. Meron daw isang veteran actress na kasama si Eugene sa isang shooting niya ng isang horror film.

Ayun, nag-inarte na ang hitad at talagang gumawa siya ng paraan para masolo niya ang tent. Actually, pinagsabihan niya ang taga-production na ayaw niyang makasama ang veteran actress sa iisang dressing room.

At talagang nag-threaten pa diumano ang komedyante  na hindi siya sisipot sa shooting kapag hindi nasunod ang kanyang gusto.

Siyempre, natakot naman ang mga taga-production kaya naman sila na ang gumawa ng paraan para ilipat ang veteran actress sa ibang dressing room.

Walang kamalay-malay ang veteran star may  nagpalipat pala sa kanya sa ibang dressing room. Ano kaya ang magiging reaction niya kapag nalaman niya ang katotohanan? For sure ay ipagkikibit-balikat niya lamang ito.

Mataas ang pinag-aralan ng veteran actress at hindi niya papatulan ang kaechosan ng isang Eugene Domingo LANG. Actually, marami na rin naman ang naaasar dito kay Eugene na ang feeling ay super sikat na siya.

Helllooo00! You will never be a SUPERSTAR, Eugene.  Anyway, if this is not true, we want to hear her side. This is something kasi na kailangang linawin agad ni Eugene para hindi na lumala pa.

( Photo credit to Google )

Read more...