MARAMING natutunan at na-realize sina Vice Ganda at Anne Curtis noong panahong pinadapa ng Eat Bulaga sa ratings game ang It’s Showtime dahil sa AlDub phenomenon.
Para sa dalawang TV host, isang “humbling experience” ang naganap noong 2015 at 2016 sa It’s Showtime matapos ngang mag-hit ang Kalyeserye nina Maine Mendoza at Alden Richards sa Eat Bulaga.
Alam ng madlang pipol na ang pagbabalik ng Tawag ng Tanghalan sa Showtime ang sumagip at nagpabongga uli sa rating ng noontime show ng ABS-CBN.
Sa presscon ng Showtime para sa kanilang10th anniversary, sinabi ni Vice na hinding-hindi niya malilimutan ang mga panahong aligaga silang lahat sa programa para makaungos muli sa laban at nagpapasalamat siya sa lahat ng hindi bumitiw sa show.
“Masaya. Masaya na ang dami pa ring nagmamahal sa Showtime. It was a humbling experience. It was a learning experience.
“Maraming naituro sa amin ang pangyayaring yun, hindi lang sa programa namin at sa buong network at sa amin personal. Maraming naituro sa akin.
“Naituro sa akin na ang panahon ay hindi mo hawak, ang puso rin ng ibang tao ay hindi mo hawak. Ang tanging magagawa mo lang ay ang magpasalamat sa pagkakataong minamahal ka nila at mahalin mo din sila sa mga pagkakataong minamahal mo sila.
“At kung hahabaan pa nila yung pagmamahal nila para sa ’yo, e, isang malaking biyaya na yun mula sa langit,” mahabang pahayag ng Unkabogable Star.
Para naman kay Anne, isang challenging na journey ang pinagdaanan at napagtagumpayan nila na mas nagpatatag pa sa samahan nila sa programa.
“I think, it’s part of the journey ng Showtime, di ba, you have to experience something that will humble you.
“And we grew stronger as a family. We all, alam yun, put so much heart into not giving up on our show. And I think that’s what reached out to our viewers. That’s what they saw,” sey pa ng TV host-actress.
At sa pagse-celebrate nga nila ng ika-10 anibersaryo, “We’re very thankful to be at the position now that we’re still celebrating, we’re going to be celebrating ten years. So we’re very, very thankful.”
“And I guess, it just shows that we will always be prepared for what will happen in the future ‘cause who knows it may happen again and at least we know that we can get through it together,” dagdag pa niya.