MMDA kinontra ni Enchong, kumampi sa mga jeepney driver

ENCHONG DEE

“Mamamayang Pilipino nanaman mag-aadjust? Why not provide for the jeepney driver’s modernization… if the gov’t finds it expensive, how much more the jeepney drivers?”

That was Enchong Dee’s answer to Metro Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago’s statement which read: “Despite the good intentions of the government, puro reklamo lang ang kaya niyong gawin. Nasasanay kayong gobyerno ang mag aadjust sa lahat ng reklamo niyo particularly dito sa PUV Modernization Program. You can never threaten the government.”

Nakakuha ng simpatya si Enchong sa kanyang aria. Marami ang kumampi sa kanya lalo pa’t ang mahal

pala ng presyo ng modernong jeep at mukhang hindi kakayanin ng operators.

“Salamat Enchong sa pakikiisa sa ating mga jeepney drivers. Ipaglaban ang interes ng mga mamamayang Pilipino at wag interes sa negosyo! #NoToJeepneyPhaseout.”

“Hindi rin ako super fan ni Enchong pero hindi ba dapat lahat tayong Pilipino may boses dito? Dapat LAHAT TAYO may pakialam.”

“Every Filipino especially those who are paying their taxes honestly have all the rights to say anything they want to say. So pano naging labas si Enchong? Ikaw lang po ba may karapatan?”

“Agree ako sayo Enchong. It doesnt make any sense. Modernization so we can catch with the technology of our neighboring countries in terms of commuting pero bakit made in China mini van yung iniimport niyo? Diba dapat locally produce yan so we can address pati employment issue dito?”

Actually, bilib kami kay Enchong. He has a mind of his own. Hindi siya takot sumalungat kung alam niyang naaagrabyado ang kapwa niya Pilipino. May balls siya na i-articulate ang kanyang mensahe or idea.

Bravo, Enchong!

Read more...