Pagmamakaawa ni JACKIE sa mga anak wa epek: Meron na kaming bagong MOMMY, she’s better!


PASENSIYA na lang kay Jackie Forster dahil wala talagang balak ang mga anak niya kay Benjie Paras na makipag-ayos sa kanya. Matigas pa rin ang dalawang bagets – ayaw na nilang makita ang kanilang ina sa kabila ng pagsusumamo nito sa pamamagitan ng isang video sa YouTube.

Nang tanungin kasi ang dalawang anak nina Benjie at Jackie sa isang presscon kung may balak pa silang makipag-usap sa kanilang nanay, parehong tumanggi ang mga ito.

Sey daw ni Andre, “Wala. I don’t care! I’m just happy with our lives that we have a new mom (si Lyxen, ang bagong asawa ni Benjie). She’s better. She’s treating us the way we want…not like, you know, what she did to us.

Dagdag pa nito, “I just want to continue with my life and just focus on the good side, not the bad side, ‘coz we’re heading for our future.”

Sinegundahan naman ni Kobe ang sinabi ng kapatid, “I can say the same, I told her to stop before and I don’t want…So, yun talaga ang nakakainis, e. No, she’s not listening talaga.”

Tungkol naman sa video ng kanilang ina, ang sey ni Andre, “I can say it’s not for us. It’s for the public. ‘Coz if she wants it for us, she could have sent it personally.”

( Photo credit to Google )

Read more...