Halos maiyak ang Kapuso actress na si Kate Valdez nang sagutin ang isyu tungkol sa pagkakaroon umano ng “attitude problem.”
“Na-shock ako kasi hindi ko alam kung saan nanggaling. So parang, napaisip ako kung may nakaaway ba ako o may nasabihan ba akong hindi maganda. Wala naman akong car, wala naman akong sariling bahay, nagre-rent ako and I’m proud to say na hindi ako mayaman,” aniya.
“It’s so challenging at nasa-sad ako kasi nami-misinterpret nila ako na hindi naman ako ganoon.
“So, naku-question ko yung sarili ko na, nasaan ‘yung mga kabutihang ginawa ko before? Hindi n’yo ba naalala ‘yun?’ Wala pong katotohanan ‘yun, kasi love ako ng Studio 7,” paliwanag pa ng dalaga sa naglabasang chika na may issue siya sa mga kasamahan sa show.
MOST READ
LATEST STORIES