‘Lord’ sa Central Luzon namimigay ng SUV

IBANG lord at hindi drug lord ang kilalang source ng sports utility vehicles (SUV) ng ilang pulis at iba pang law enforcement agents sa Central Luzon.

Open secret na namimigay ng SUV ang ating bida lalo na noong kainitan ng kanyang ilegal na gawain.

Hindi drugs kundi sugal ang kanyang raket kung saan bukod sa mga alagad ng batas ay ilang miyembro rin ng media ang regular na kumukulekta sa kanya ng buwanang “tongpats”.

Ngayon ay nagbago na ng ruta ang ating bida dahil pinasok na rin niya ang realty.

Hindi lang housing kundi pati ang pagpa-patayo ng sports facilities ay kanya na ring pinasok.

Doon niya inilagay ang bahagi ng kanyang mga kinita mula sa illegal gambling.

Pero sa kabila ng kanyang pagbabago ng raket ay tuloy pa rin ang pamimigay niya ng SUV sa ilang opisyal.

Ito ay dahil tuloy pa rin naman ang kanyang pagpapasugal kahit na kaliwa’t kanan ang kanyang mga legal na negosyo.

Sinabi ng aking cricket na sadyang nasa dugo na ng negosyanteng ito ang pagsusugal kaya malabo na siyang makawala rito.

Ang negosyante na mayroong legal at ilegal na raket at kilala sa pamimigay ng na SUV kapit ng proteksyon ng ilang maipluwensyang opisyal ng gobyerno ay si Mr. B….as in Bola.
***
Para sa mas maraming Wacky Leaks, visit bandera.inquirer.net

Read more...