Umabot na sa mahigit P47.5 million ang kinita ng “Jowable” ni Kim Molina sa loob ng anim na araw.
“Natutuwa po kami na kami pong mga normal din na actors nabibigyan ng pagkakataon, ‘yun po talaga ‘yung bonus sa amin kasi after this, naniniwala po ako na mga katulad ko po din magkakaroon din ng mga big projects,” ani Kim sa panayam ng ABS-CBN.
Napaiyak daw talaga siya nang malamang mahigit P47 million na ang kinita ng movie nila.
Open ba siya sa part 2 ng “Jowable”? “Sana. I do not know. Hindi ko po alam, eh. Game naman po ako sa sequel. And siguro po malulunod na po si Elsa sa alak. Pero okay naman po tayo du’n, sige po.”
MOST READ
LATEST STORIES