Palasyo itinangging ginastusan ang mga artistang nasa Russia


ITINANGGI ng Palasyo na ginastusan ng gobyerno ang biyahe ng mga artistang nasa Russia kung saan bumibisita si Pangulong Duterte para sa isang official visit.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na sagot ng mga artista ang kanilang biyahe sa Moscow.

“With regard to the show biz people who are here, as far as I know, when they entertain the Filipino community while waiting for the arrival of the President, they are not paid. They have been doing that during the presidential campaign. They just happen to be genuine and rabid fans of the PRRD,” sabi ni Panelo.

Ito’y matapos namang batikusin ng mga netizen ang mga viral selfie photo ng ilang artistang nasa Russia kabilang na sina Philip Salvador, Cesar Montano at Moymoy. Makikita rin sa larawan si Atty. Larry Gadon.

“As far as I know these artistas came over Moscow on their own. The government did not spend for their fare and hotel accommodations,” giit ni Panelo.

Read more...